HomeTopNews Philippines

“Philippine Army, nagbigay Philippine Army, nagbigay pugay kay Eddie Garcia”

Sa Facebook ng Philippine Army noong Sabado, makikitang ilang sundalo ang dumalo upang magbigay pugay kay Eddie Garcia sa kanyang burol sa Heritage Park sa Taguig noong Biyernes.

Nakiisa ang Philippine Army sa pagluluksa sa batikang aktor at dating Philippine Scout member na si Eddie Garcia.

Sa kanilang Facebook post noong Sabado, makikitang ilang sundalo ang dumalo upang magbigay pugay kay Eddie sa kanyang burol sa Heritage Park sa Taguig noong Biyernes.

Dito, ibinahagi ng Philippine Army na nag-volunteer ang dating “Ang Probinsyano” star na maging parte ng Philippine Scout at i-deploy sa Okinawa, Japan noong siya ay labing siyam na taon lamang.

Ani ng kanyang anak na si Erwin Garcia, matagal nang hiling ni Eddie na ikalat ang kanyang abo sa Manila Bay sa Luneta kung saan ginanap ang kanyang deployment ceremony.

Dagdag pa ng Philippine Army, marami sa kanilang initiatives ang sinuportahan ng aktor, na noon pa man ay pangarap nang maging sundalo, noong siya ay nabubuhay pa.

“He was an avid shooter, participating in annual shooting competitions hosted by the Armed Forces of the Philippines,” ani nila.

Sa statement ni Army spokesperson Ltc. Ramon P. Zagala, nakiramay ang Philippine Army sa pamilya ng nasabing screen legend.

Aniya, “The Philippine Army condoles with the family of the late EddieGarcia. We admire him not only as an actor but as a fellow comrade in arms. His desire for his ashes to be scattered on the Manila Bay speaks of his love of the noble profession of arms, despite his short-lived military career. He is an inspiration and an example that one does not have to be a soldier in order to serve the country.”

Pumanaw si Eddie noong Miyerkules, ika-20 ng Hunyo sa oras na 4:55 ng hapon, ilang araw matapos na ma-comatose dahil sa neck fracture. Siya ay 90 years old.

READ: Eddie Garcia passes away