HomeTopNews Philippines

“Regine Velasquez, masaya sa balitang engaged na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli”

Regine Velasquez, siguradong magiging ninang sa kasal nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Marami ang natuwa at naging usap-usapan ang pagkumpirma ng aktor na si Matteo Guidicelli na engaged na sila ng kanyang longtime girlfriend na si Sarah Geronimo at isa na dito si Regine Velasquez.

Read:Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo are engaged

Sa naging panayam ng ABS-CBN News  ay sinabi ng Asia’s Songbird na masaya siya para sa kanyang anak-anakang si Sarah.

“I’m happy! Whenever you hear a friend getting engaged, it’s always a celebration. You cannot help but feel excited for them. Kasi pinagdaanan ko na ‘yun, na-engage na ako. Ang sarap talaga ng feeling, e,” aniya.

“Tapos lalagay na sila sa tahimik. It’s wonderful! I’m happy for her. I only wish the best for their relationship. They’ve been together for five, six years. I’m so happy,” dagdag pa niya.

Nagsimula maging close ang isa’t isa nang manalo sa Star For A Night si Sarah noong 2003 at palagi namang sinasabi ng Popstar Royalty na idolo niya si Regine.

“Alam mo, ang dami nang pinagdaanan ng relasyon na ‘yan. Feeling ko, parang, walang nang makakapigil talaga. Ito na ‘yan! Parang hindi nila papayagan na may mangyari pa sa relasyon nila after what they’ve gone through,” pahayag ng singer.

Sigurado din umano ang Asia’s Songbird na magiging ninang siya sa kasal nina Sarah at Matteo.

WP2Social Auto Publish Powered By : XYZScripts.com