HomeTopNews Philippines

“REVIEW: Cuddle Weather: May totoong pagmamahal ba sa isang mundong binibigyan ng presyo ang pagmamahal?”

Kwento ito ng dalawang taong nagbebenta ng “libog” at pagmamahal, pero ano nga ba ang totoong yakap, libog at pagmamahal?

Dalawang tao. Isa papunta pa lang—si Ram na ginaganapan ni RK Bagatsing—at isa patapos na—si Adela na ginaganapan naman ni Sue Ramirez. Dalawang taong pinagtagpo ng sitwasyon ng buhay at kinailangang magbenta ng “libog” at katawan.

READ: RK Bagatsing hopes to educate viewers about sex in new movie with Sue Ramirez

Si Adela ay magsasampung taon na sa “pagpuputa.” Nakatulong na siya sa pamilya niya. Nakaipon na rin siya ng sapat para makawala, mag-aral at magbagong buhay. Inaantay na lang niya na matapos ang pagpapalit ng kanyang pangalan at pagkatapos nun graduate na siya sa pagbebenta ng katawan.

Si Ram naman ay isang seaman na nasadlak lang sa “pagpuputa” dahil naloko siya ng isang agency. Ang alam ng mga magulang niya ay “nasa abroad” na siya.

Gusto na ni Adelang makawala sa pinasok niyang buhay. Gusto naman ni Ram takasan ang malas na sinapit, at habulin pa rin ang pangarap niya para sa pamilya.
 
Isang gabi pagtatagpuin sila Adela at Ram. At dahil sa bago pa lang sa pinasok na hanapbuhay, kailangan ni Ram ang tulong ng “beteranang puta” na si Adela. Si Adela naman kailangan ng mga yakap ni Ram, minus the “sex.” “Bawal tigasan,” ito ang number one rule ni Adela.

Unti-unti, mahahawaan si Adela ng sigla at “libog sa buhay” ni Ram. Unti-unti malalaman niya na ang bagong buhay na hinahanap niya ay si Ram, dahil kay Ram mahahanap niya ang tunay na pagmamahal. Yung may “yakap” na pagmamahal, pero may “libog” din.

Si Ram naman, sa tulong ni Adela, malalaman niya na hindi solusyon ang pagpuputa. Pwede pang lumabas katulad ni Adela at hindi dapat kelanman mawalan ng pag-asa. “Wag mo itong gawing finish line,” ika nga ni Adela. Sa tulong ni Adela, malalaman ni Ram na totoong maganda ang buhay. Katulad ni Adela.

Mahusay ang pagganap ni Sue at RK. Nakakakilig din ang makatotohanang dialogue, banter at sweet scenes ng dalawa. Ramdam mo ang bigat ng pagkatao ni Adela, na hindi kayang umuwi sa pamilya at nawalay sa Nanay na isa ring puta noon. Makatotohanan naman ang pagganap ni RK ng isang probinsyanong nagpipilit maging puta.

Although may lalim at kwento ang pelikula, natabunan ito ng mga putol na eksena. At minsan may mga eksena ring hindi malinaw kung ano nga ba ang tinutumbok na punto kaya nabibitin din ang emosyon na gustong palabasin ng eksena. Hindi rin nagkakabit-kabit ang mga ilang mga eksena para makabuo ng isang seamless na kwento, experience at emosyon.

Kudos naman para sa matatapang na eksena at may lalim at palabang mga linyahan. Maraming namangha ng alisin ni Adela ang nakasabit na pubic hair na sumabit sa ngipin niya. Marami ring napa-aww sa mga linyang nagbibigay lalim sa pelikula katulad na lang ng sabihin ni Adela na mahirap ang pagpuputa dahil nakakawala ito ng libog, hindi lang sa sex kundi sa lahat ng bagay.

Pero may mga ilang eksena rin na verging on the ludicrous at hindi nagtutugma sa rawness na ibinibigay sana ng dialogue at generally ng pelikula.

All in all, ang Cuddle Weather ay isang pelikulang may lalim at mapapaisip ang mga manunuod kung ano nga ba ang pagmamahal sa isang propesyon na binibili at binibigyan ng presyo ang pagmamahal.

READ: EXCLUSIVE: Rod Marmol, nabawasan daw ang pagka-daring ng ‘Cuddle Weather?’