HomeTopNews Philippines

“Richard Gutierrez, first time bibida sa ‘Maalaala Mo Kaya’”

“Isa sa mga milestone ko dito sa ABS-CBN,” pahayag ni Richard Gutierrez sa kaniyang pagbibidahang ‘Maalaala Mo Kaya’ episode kasama si Elisse Joson.

First time na gaganap at bibida para sa longest running drama anthology show ng ABS-CBN, ang Maalaala Mo Kaya, si Richard Gutierrez, ngayong darating na Sabado, October 12. Sa interview ng press sa aktor, sinabi nito na isa ito sa kaniyang mga milestone sa Kapamilya Network.

“Very exciting, MMK is such a special show in ABS-CBN, it’s been such a long time. Parang eto yung isa sa mga milestone ko dito sa ABS-CBN to have my first MMK its such an honor for me,” pahayag ni Richard.

Sa direksyon ni Andoy Ranay, makakatambal ni Richard ang Kapamilya leading lady na si Elisse Joson.

“It’s good, it’s fun working with her. Direk Andoy is our director. We’re doing a light story compared to the rest of MMK, it’s fun, it’s a light set,” dagdag ni Richard.

Isa itong busy na taon para kay Richard, dahil bukod sa MMK episode, isang teleserye at isang pelikula rin ang ginagawa ni Richard ngayon.

“Bigla ngang nagsabay sabay yung mga trabaho ko recently. Totoo nga when it rains it pours. And we just started our teleserye with Bea (Alonzo) and an ensemble of cast. And also simultaneously we started a movie for Star Cinema with Angelica and Bea…” kuwento ng aktor.

READ: Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, inalala ang mga pinagdaanan noon: ‘Our relationship was tested’

READ ALSO: Richard Gutierrez sa pagiging hands-on ng ina na si Annabelle Rama sa kaniyang kasal: ‘Very good ang intentions siya’

Mapapanood ngayong Sabado ang naturang episode na pinamagatang, MMK: My Handsome Boss.