“Tekla sa pinagdaanang kontrobersya: ‘Good thing na nangyari ‘to para yung mali dapat nating itama’”

thumbnail

Pagkatapos isumbong ni Michelle Lhor Bana-ag kay Raffy Tulfo ang live-in partner nitong si Tekla, ay umalis na rin ito kasama ang mga pamangkin at kapatid sa condo unit na kanilang tinitirhan.

Nang bisitahin ni Donita Nose, ka-tandem ni Tekla sa YouTube, ang condo unit ng komedyante ay nakita nito kung gaano kadumi ang lugar na iniwan ng pamilya ni Michelle. Ayon sa katandem ni Tekla, inupload niya ang video sa Donekla in Tandem hindi para kaawan ng netizens si Tekla kundi para ipakita ang totoong itsura ng loob ng condo unit at kung paano mamuhay ang mga nakatira dito.

Makikita sa video na nanlilimahid, nanggigitata, nagkalat ang basura at panis na pagkain na pinagpipistahan ng mga ipis.

Ani Tekla sa video, “Kung meron mang nagugutom sa totoo lang, yung totoong pamilya ko kasi hindi ko nasusuportahan, yung totoong pamilya ko dahil sa kanila.”

Nagpahayag din si Tekla ng pag-aalala sa anak niyang si Angelo na nasa poder ng dating ka-live-in.

“Natatakot lang din ako sa kalagayan ni Angelo kung sa kanilang poder. Maselan yung kondisyon ni Angelo, eh,” sabi pa niya.

Bumili rin ang dalawa ng ilang gamit para sa condo ni Tekla para mapalitan yung mga itinapon nila tulad ng bed sheet.

Pabirong himutok ni Donita, “Napagod na ako. Pagod na pagod na ako. Haggard kung haggard. Pero para sa ka-tandem ko, okey lang yan.”

Sa huling part ng vlog ay ipinakita ni Donita na malinis na ang room Tekla. Meron na itong bagong bed sheet at mga unan.

Ani Donita, “Nakita n’yo naman po kung gaano kadumi. Pero at least, ngayon, kahi tpaano, di ba, matatawag na natin siyang kwarto. At makakatulog ka na nang maayos, di ba?”

Ibinahagi rin ni Tekla kung ano ang leksyon na natutunan niya sa pinagdaanang problema.

“Good thing na nangyari ‘to para yung mali dapat nating itama. We are public figures, pinapanood tayo.

“Buti na lang wala akong pamilya dito. Mag-isa lang ako. And thank you, Donits, sa mga kaibigan ko, at sa mga nag-donate dito. Siyempre, wala pa akong pera,” pahayag ni Tekla.

Reaksyon naman ni Donita sa sinabi ng comedian/vlogger, “Ang kaibigan talaga masusukat mo yan in times na nangangailangan yung kaibigan mo.”

Back To Top