“Time-out ni Andi Eigenmann sa showbiz, suportado ni Jaclyn Jose”

thumbnail

Full time mommy muna ngayon ang role ni Andi Eigenmann sa kaniyang lumalaking pamilya.

All out ngayon ang suporta ng aktres na si Jaclyn Jose sa personal na desisyon ng anak na si Andi Eigenmann.

Sa naging panayam ng PUSH kasama ang iba pang entertainment press, pinuri ni Jaclyn ang pagiging hands-on nanay ni Andi at maturity ng anak sa pagiging nanay nito.

RELATED ARTICLE: Jaclyn Jose, proud nanay kay Andi Eigenmann

“Sobrang positive in life. Walang qualms,” sambit ni Jaclyn sa panayam ng press sa naganap na story conference ng Kontrabida starring Nora Aunor.

Aniya, bilang isang ina, masaya si Jaclyn na buong pusong tinalikuran ni Andi ang mga negatibong balita na nakapalibot sa kanya.

“Everything is beautiful, tapos pag may (chismis) na ‘Anak alam mo ba ‘yung ganito sasabihin niya ‘Nay, no hindi ko alam, at wala akong balak alamin kasi mag aalaga pa ako ng baby.’ Parang naka-focus talaga siya in taking care of her family,” sambit pa ni Jaclyn.

Suportado rin ni Jaclyn ang desisyon ni Andi na pansamantalang mag time out sa pagtanggap ng showbiz commitments.

Ayon sa aktres, nagpasya si Andi na tutukan muna ang pagpapalaki sa mga anak at maging mapili sa pagtanggap ng mga proyekto.

“Parang wala na muna ngayon e’ kasi bago siya nag announce that she’s pregnant may indie (independent movie) siya na pumasok e,’” sambit ng aktres.

Kuwento pa ni Jaclyn, may mga offers pa rin kay Andi na magbalik showbiz pero nakapag desisyon na rin umano ang kaniyang anak.

“Ang gaganda pa rin ng mga indie na pumapasok sa kaniya. Ang sabi lang niya ‘Nay kapag kaya ko na.’ Ang gusto lang niya gawin indie. Ayaw niya ng soap, ayaw niya ng things that will take her time. A lot of her time,” pahayag ng aktres.

Sa ngayon, hands-on Lola rin si Jaclyn sa pagaasikaso sa kaniyang mga apo kay Andi habang nanatili ito dito sa Maynila bago ang paglipat sa Siargao.

Back To Top