“TINGNAN: Angel Locsin, gumamit ng garbage bag bilang protective gear”

thumbnail

Spotted si Angel Locsin na may suot na ‘protective gear’ na gawa sa garbage bag habang nasa gitna ng pag-abot ng tulong sa mga apektado ng virus outbreak.

Sa kabila ng kakulangan ng mga PPE o Personal Protective Equipment dahil sa krisis ngayon, maraming netizens naman ang namangha sa naging paraan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin habang nasa kalagitnaan ng pagtulong sa mga apektado ng COVID-19 outbreak.

Sa isang Instagram post ng fan nitong Martes, March 25, spotted ang aktres na gumamit ng garbage bag bilang kaniyang protective gear. Ayon sa caption, “Hindi lang lumilipad si darna rumarampa rin   salute to you for being a good person.”

Isa si Angel sa mga celebrities na naging aktibo sa pagtulong sa mga apektado ng virus outbreak. Una nang umalma ang aktres sa mga nagbebenta ng overpriced surgical masks na kumakalat online.

READ: Overpriced na surgical masks, inalamahan ni Angel Locsin

Naging aktibo rin si Angel sa pagtulong sa mga medical staff na naging frontliners sa pagharap sa naturang krisis. Bukod sa pagdo-donate, personal ding nagpatayo ang aktres kasama ang kaniyang fiance na si Neil Arce, ng mga air-conditioned tents sa Taguig, bilang temporary mobile sleeping quarters para sa health workers at essential workers

READ: Angel Locsin thanks celebrities for donating supplies for tents for frontliners

Back To Top