HomeTopNews Philippines

“TINGNAN: Jessy Mendiola, binisita ng kaniyang Lebanese father”

Nilinaw din ni Jessy Mendiola na hindi Muslim ang kanyang ama, at wala silang dugong British.

Sa isang bagong post sa Instagram, ibinahagi ni Jessy Mendiola ang muling pagkikita nila ng kanyang Lebanese dad na si Roger Tawile. Ayon sa caption ng post, nagmula pa ng Bahrain ang ama ni Jessy, “My king flew all the way from Bahrain just to see me.”

Sa comment section, habang may apat na heart emojis ang boyfriend ni Jessy na si Luis Manzano, nilinaw din ng aktres na hindi Muslim ang kanyang ama, at wala rin silang dugong British. “Pure Lebanese,” sagot ng aktres sa isang tanong ng netizen tungkol sa nationality ng kanyang ama. 

Unang nagkita ang mag-amang Jessy at Roger noong 2014, matapos magkahiwalay ng halos 14 years. 

Samantala, una na ding na-meet at naka-bonding ni Luis ang ama ni Jessy noong nakaraang taon.

READ: Luis Manzano talks about meeting girlfriend Jessy Mendiola’s father

READ: Luis Manzano calls Jessy Mendiola the “mother” of his children