HomeTopNews Philippines

“Tony Labrusca nagbigay mensahe matapos masuntok ng isang guard sa mall show”

Dinumog sa isang mall show si Tony Labrusca at aksidenteng natamaan ito ng isang guard.

Naging viral ang isang video sa social media kung saan nakitang nalaglag si Tony Labrusca matapos aksidenteng matamaan ng isang guard.

Galing sa isang mall show sa Tanauan, Batangas si Tony ang Glorious star at dinumog ito ng kanyang mga fans kung kaya naman nahirapan din ang security team na pigilan sila. Sa di inaasahang pangyayari ay nasuntok accidentally ng isang guard si Tony.

“Kawawa naman si Tony. He went down during his visit in Victory Mall, Tanauan, Batangas. Hope he’s fine after all,” ani Patricia Ramilo na siyang naglabas ng naturang video sa social media.

Nilinaw naman ni Tony na hindi siya nasaktan sa pangyayari. Wala rin daw kasalanan ang guard na naka suntok sa kanya. 

“Hey guys, I noticed a lot of you are worried about me getting punched in the face in my last mall show. I’m totally okay. I know the guard didn’t mean it. Thanks to everyone for being so thoughtful!” aniya.