“Will James and Nadine delete these Instagram photos soon?”

thumbnail

Marami ang nalungkot sa paghihiwalay nina James Reid at Nadine Lustre na naging magkasintahan sa loob ng halos apat na taon.

Kasunod ng naging kompirmasyon ng hiwalayan ng real life couple na sina James Reid at Nadine Lustre, hot topic ngayon sa social media ang iba’t ibang reaksyon ng netizen sa gulat na announcement na ito ng dalawa. 

READ: Fans react to James Reid, Nadine Lustre breakup

Bukod sa netizen’s reaction, isa din ngayon sa sinusubaybayan  ng fans ay kung buburahin din ba James at Nadine ang mga retrato nila sa Instagram na isa sa mga kadalasan na ginagawa ng mga showbiz personalities.

Matatandaan na sa isang bahagi ng dressing room exclusive interview ng Tonight With Boy Abunda,” sinabi ni Nadine na mananatili silang magkaibigan ni James kahit na hindi na sila magkarelasyon nito 

“Yung naging transition ko from who I was before, to the person I am now, is so beautiful. That kahit na hindi na kami ni James, he will always have a place in my heart,” pahayag ni Nadine sa isang panayam ng TWBA.

[embedded content]

Ganun pa man, kapwa tahimik sina James at Nadine matapos ang naging announcement sa kanilang relasyon.

Sa ngayon, umaasa ang ilang fans na magkabalikan ang tambalan na kanilang minahal.

Back To Top